MGA SALIK NA MAIUUGNAY SA AKADEMIK PERFORMANS NG MGA MAG-AARAL NG IKAPITONG BAITANG NG CENTRAL PHILIPPINE UNIVERSITY HIGH SCHOOL SA ASIGNATURANG FILIPINO
Researchers:
Ingrid Margarett M. Alegre,
Karyl Grace C. Basulgan
Gerlie H. Bescuer,
Sherina C. Curib
Coleen Joy B. Jagape
Nessa Amor R. Resco,
Gella Ann M. Sayson
March 2018
Adviser:
Prof. Reynaldo Dusaran
Abstrak:
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy ang mga salik na maiuugnay sa Akademik Performans ng mga mag-aaral sa Ikapitong Baitang ng Central Philippine Unversity High School sa Asignaturang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay kombinasyon ng correlational at descriptive na disenyo upang tiyakin ang mahalagang kaugnayan sa pagitan ng mga baryabol tulad ng kasarian, uri ng paaralang pinagtapusan sa elementarya, lokasyon ng paaralang pinagtapusan sa elementarya paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon, kaligirang pisikal ng silid-aralan sa asignaturang Filipino, pananaw sa guro sa asignaturang Filipino, at interes sa asignaturang Filipino sa Akademik Performans ng mga mag-aaral ng ikapitong baitang ng CPU High School sa asignaturang Filipino. Ang bilang ng mga respondante ay 188 na mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Central Philippine University High School. Ang pagkuha ng mga datos ay sa pamamagitan ng one-shot survey. Ang mga sumusunod ay ang kinalabasan sa pagsasaliksik: ang kasarian at kategorya sa interes sa asignaturang Filipino, ang lokasyon ng paaralang pinagtapusan sa elementarya at interes sa asignaturang Filipino, ang paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon at interes sa asignaturang Filipino. ang uri ng paaralang pinagtapusan sa elementarya at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ang lokasyon ng paaralang pinagtapusan sa elementarya at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ang paggamit ng wikang Filipino sa pang-araw-araw na komunikasyon at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay walang kaugnayan sa akademik performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Samantalang ang uri ng paaralang pinagtapusan sa elementarya at interes sa asignaturang Filipino, ang kaligirang pisikal ng silid-aralan at interes sa asignaturang Filipino, ang pananaw sa guro at interes sa asignaturang Filipino, ang kasarian at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ang pisikal na kaligiran ng silid-aralan at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ang pananaw sa guro sa asignaturang Filipino at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino, ang interes sa asignaturang Filipino at grado ng mga mag-aaral sa asignaturang Fiipino ay may kaugnayan sa akademik performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.